Lunes, Disyembre 6, 2010

Ang di makitang kayamanan ng bansa


Maraming kayamanan na hindi napapansin ng ibang tao. isang kayaman na di salapi o anuman. hindi materyal o isang kayaman na tanging tao lamang ang nagtatago. mga kayamanan na nasilayan, mga kayamanan na naranasan, kayamanan na iningatan, mga sandaling binabalik-balikan ,mga pagkakaton na pinanghinyangan ,mga sandaling gustong balikan at sa pagbabalik ay ayaw ng wakasan. yan lahat ang nais mangyari ng isang centinnial na taong dapat pangalagaan at bigyan ng atensyon. Si tatay tiburcio na sa edad na 101 ay naghahangad na mapabuti ang kanyang buhay na kailan man ay hindi niya naranasan.

Si tatay tiburcio ang naging subject ko noong panahong akoy naghahanap ng isang modelo para sa aking proyekto sa asignaturang photography. Una naglibot-libot ako sa buong baclaran para makakita ng tamang subject..sa bawat click ko sa aking camera maraming mga kwento ang makikita sa mukha sa lugar na aking nakuhaan, isang kwentong ang hirap aninagin ang hirap alamin sa kadahilanang natatakot akong magtanong at magusisa. minsan pang clinik ko ang aking camera at napaharap ito sa dakong nakaupo ang isang matandang lalaki. Nais ko sanang makilala ang nagmamayari ng katawang lupang iyon, nais ko sanang malaman kong papayag ba syang maging subject ko ang nais ko lang ay kuhaan sya ng larawan ilang ulit kong sinabi kay tatay tiburcio na sana ay ngumiti sya..dahil nais kong makitang ngumiti sya, nais kong kapain kong sa kanyang kalagayan naroon parin ang kasiyahan sa kanyang puso, nakita ko syang ngumiti nakita ko syang humalakahak, subalit sa minalasmalas naglowbat ang camera, ni hindi ko manlang nakuhaan ang bawat ngiti at halakhak nya, ang tanging nakita ko sa aking camera ay ang larawang ito na puno ng emosyon..minsan pay bumalik ako sa kanyang lugar, nagulat ako na sa aking pagbabalik ay wala na sya roon, hinanap ko sya nagtanung-tanong ako at may isang mabuting tao ang nagturo sa akin sa kinalalagyan ni tatay tiburcio. Nakita nya ako yumakap sya sa akin, lumuha sya..di ko inaasahang sa king pagbabalik ay magiging ganito ang reaksyon nya.Hinaplos ang puso ko sa eksenang iyon siguro kong akoy nasa harapan ng isang camera iisipin mong isang telenovela ang nagaganap sa pagitan naming dalawa..Di ko napigil ang luhang nagpapamula sa akin, nagpapatayo ng aking balahibo alam ko kailangan ko maging matatag para sa kanya, pero anung magagawa ko tao lang ako, na dapat ilabas ang nararamdaman ko. Umiyak ako oo aaminin ko isa nga itong uri ng kahinaan pero alam ko sa sarili ko na matatag ako. At kailangan ko talaga maging matatag hindi lamang para sa sarili ko kundi para rin sa kanya. Minsan pa syang nagkwento ng kanyang mga nakaraan, na isa raw syang alalay noon ng ama ni FPJ na dati din syang kasa-kasama ng mga ito.Nageenjoy ako sa bawat kwento nya..kahit na nasa gitna kami ng isang mapulusyong lugar, kahit na ang bawat kwento nya ay nasasaliwan ng ingay ng mga sasakyan, subalit alam mo bang sabi nya? " naririnig mo ba anak ang mga ingay na iyan ng sasakyan, sa umaga yan ang aking naririnig, hangang sa buong maghapon at sa gabi hangang sa pag gising dala-dala ko na nga ang ingay ng mga yan, ang amoy na unti-unti yatang sumisira sa buong sistema ko.." napaisip ako at inalok sya ng isang bagay, na naisip ko at yun ay ang tutulungan ko syang mapaalis sa lugar na iyon.Subalit nagulat ako sa kayang tinuran..ang naging sagot niya sa aking suhistyon"anak hindi ko na kailangng umalis sa lugar na ito, dito sa baclaran narito na yata lahat ng kwento ng buhay ng tao..narito ang kasiyahan, kalungkutan,pagpipighati,karahasan at marami pang iba..subalit alam mo ba anak na dito ko rin nakilala ang aking pag-ibig, na ngayon ay nasa akin parin ang pag-ibig na hindi una subalit naging huli pag-ibig na sa kabila ng aking kahirapan sa kabila ng aking kabiguan ay naging tapat at handang samahan ako, hanggang sa aking kamatayan.." sa sinabing iyon ni tatay napaisip ako kahit pala ganito ang kanyang katayuan simpleng bagay lang pala ang nais ni tatay, at yun ang ang pahalagahan sya ay bigyang pansin..sabi nga nya'y dalawin lamang namin sya ay isang napakahalagang bagay na para sa kanya..

Ng makita ko at mabatid ang mga pangangailangan nya, napaisip ako kong papaanu ko sya matutulungan, kahit sa mga simpleng paraang alam ko lang, at doon nabuo ang aking (kong anu-anung anik-anik chammy ni mau jewelry) kong saan ay bumubili ako ng mga materyales at yun ay aking ginagawa na maging isang napakagandang accessories, na aking gagamitin para ibenta sa mas murang halaga at ang kikitain ay ipambibili ng mga pangangailangan nya aaminin kong hindi naging madali sa akin ang ganitong pasya, sapagkat ito ay nangangailangan ng isang malaking halaga sa aking problemang iyon nakita ko ang suporta ng mga mahal ko sa buhay at ng aking mga butihing kaibigan sila na aking katu-katulong upang magkaroon ng kaganapan ang aking nasimulan.hindi madali ang gumawa ng mga ganoong bagay subalit naging inspirasyon ko ang kwento at ngiti lamang ng isang matandang nagkaroon ng isang napakahalagang parte sa aking buhay...si tatay tiburcio na sa kabila ng kakapusan sa buhay ay hindi naging madamot sa kanyang kayamanan..kayamanan na di nabibili,kayamanan na di materyal...ang kayamanan na kanyang ibinahagi sa akin ay ang kayamanang hindi kailanman man mawawala at yun ang ang pagbabahagi ng kanyang kwento at karansang ng buong puso..para sa akin sa simpleng bagay na iyon ..pakiramdam ko akoy isang napakayamang nilalang dahil nasa bahagi ng puso ko ang isang yaman na sa akin lang ipinagkatiwalang tunay...

Sana hindi lamang ako ang nagkaroon ng ganitong karanasan, para sa akin gusto ko din itong ibahagi sa iba..nais ko sanang kahit di man pinansyal ang inyong maitulong sana man lang ay ipakita sa mga katulad ni tatay tiburcio na handa kayo makinig at tanggapin ang kanilang buong pagkatao wag natin silang pandirihan at katakutan.hindi sila kriminal na gusto lamang manlamang kundi mga taong gusto lamang pakinggan at magbahagi ng anumang nalalaman..

MASAYA PO AKO SA AKING MGA NAGAWA HINDI KO ITO PINAGSISIHAN SANA KATULAD NYO RIN ANG AKING KWENTO..SA MGA SUSUNOD PA MAS MARAMING MGA KARANASAN AT ARAL ANG AKING MAIBABAHAGI SA INYONG LAHAT...


MARIONE MATARONG


1 komento: