Martes, Disyembre 7, 2010

KAYAMANANG DI MAWAWALA..

Sa pagmulat palang ng aking mata nitong umaga andami ko ng naiisip na mga bagay-bagay na maaring mangyari sa buong araw ko, mga karanasang dadaan at dapat paghandaan..at dahil sa ako'y likas na mahilig na mangamusta at alamin ang status ng bawat kaibigan ko kahit sa simpleng pagtanaw lang sa kanilang mga account mula sa ibat-ibang site..ay nagpapagaan na ng araw ko..

Habang ako'y abala sa pagcocomment sa mga status ng kaibigan ko ay may isang mensaheng dumating sa akin..sa sobrang kaligayahan na may nakaalala sa akin ay agad kong binasa ito at hindi ko mawari ay biglang tumigil ang mundo ko natulala ako napatingin lamang sa screen ng computer habang ang aking mga mata naman ay abalang nagbubuhos ng likidong nanggaling sa pusong agad na nagsumamo...ang pawis ng puso ko para sa taong ibinalitang pumanaw na ay agad nag-umalpas naguunahan sa pagbagsak kong saan man ang tungo ay di ko mawari. di ko pinansin ang tanging alam ko ng mga sandaling iyon ay wala na sya..wala na ang pag-asa ng isang ginang na sa tingin ng iba ay isang malaking pasanin...at biglang nagdatingan ang lahat..ang araw at lugar kong saan ko nakilala ang batang yayat na iyon na kalong-kalong ng kanyang ina..
Araw noong ng mga puso..at nakaugalian ko ng hindi lumabas sa araw na iyon sa kadahilanang gusto ko makasama ang aking pamilya at ang aking chammy dahil alam kong ipagluluto nya ulit ako tulad ng nakagawian subalit di inaasahang may pasok pla sya ng araw na iyon. Mabuti na lamang ay dumating na ang aking butihing kaibigan bago pa man sya nakaalis at napag pasyahang magsisimba kami sa baclaran upang magpasalamat at sa kaparehong kadahilanang gusto rin naming makita at madalaw si tatay tiburcio. Kaya't nagpunta kaming dalawa kong nasan ang pwesto ni tatay tiburcio at pagkatapos ay nagsimba kami upang magpasalamat...subalit ng mga araw na iyon ay sobrang siksikan na sa simbahan at kami ay nahirapang makaupo subalit hindi iyon hadlang upang kami ay makapasok...sa akin kanang bahagi ay may isang may edad ng babae ang pilit na sumisiksik upang makarating sa aking unahan kahit na nga akoy hirap sa pag bigay ng daan sa kanyay pinilit ko paring sya ay makadaan.At nang tignan ko ang babaeng iyon ay ni hindi man lamang sya lumingon..nakitang kong sya ay hirap sa kanyang dalahin dahil bukod sa mga bag na dala nya ay may isang mas nagpapabigat pa sa mga iyon na maging dahilan upang magmukhang namamaluktot na ang ginang. aking tinanaw ang kanyang bitbitin at ang kanyang kalong-kalong..tinignan ko ito at inakalang ito ay isang sanggol subalit sa aking pangalawang pagtitig nakita ko ang isang yayat na lalaki na animoy isang sanggol na nakapurong at may pansapin pa sa kanyang kamay at paa...tinitigan ko syang maigi tinitingan hanggang sa makita kong hindi iyon sanggol kundi isang may edad na na  lalaking maaring may sakit..nang sabihin ng pari na tapos na nag misa at humayo na ay nakita ko ang kanyang inang hinagkan siya at kinakausap habang nakangiti inakala kong sya ay mayisip nakakakita o nakakapagsalita subalit tnaging ungol lamang ang aking narinig mula sa kanya..maya.maya nakita ko sa mukha ng aking kaibigan ang pagasam na makausap ang ginang..subalit sa aking kahihiyan ay lumabas ako..naghanap ng maaring maibigay upang hindi nila isiping kami'y masamang tao ibingay ko ang aking nakayanan para sa kanila at buong puso naman iyon tinanggap ng ginang doon ko nalaman ang kanyang pangalan ang kanyang kalong kalong ay si MARK ARMEA sya ay 21 years old at sya ay mag sakit na meningitis,bone tubercolosis at cerebral palsy..at ang ngalan ng kanyang ina ay si NANAY LITA ARMEA isang simpleng tao na walang sariling tirahan. at nagkakasya na lamang sa isang tagpi-tagping trapal upang may masabing tahanan simple at payak ang pamumuhay na batid koy lalong nagpahirap sa sitwasyon ni mark..

Minsan pang kami ay napadalaw sa kanilang lugar sa philtrangco pasay dala-dala ang aming mga nakayanan ay nabatid naming sya ay wala roon at nasa isang pagamutan dahil sa ito ay inatake ng kanyang hika..kaming tatlo na magkakasama ako si jonathan at si gladish ay buong pusong sinuong ang sinsabing hospital. At hinanap namin ang kwarto kong nasaan naroon si mark nakita namin syang nakahiga walang kasama. nang mapagtanong namin kong nasan ang kanyang ina ay sinabing ito lamang ay may pinuntahan at inasikaso tinitigan kong mabuti si mark mas lalo itong pumayat at makikitang ang hirap ng kanyang pinagdaanan..Maya-maya pa ay dumating na si nanay lita kahit na halatang puyat at pagod ay buong puso kaming hinandogan ng isang ngiti at sa sandaling yun nabatid kong matatag talaga ang ginang n aiyon naalala ko bigla ang aking ina sa kanya..at sa oras na lumipas ay nagkaroon kami ng isang masayang kwentuhan hanggang sa dumating sa puntong nagpaluha sa aking puso subalit pinigilan ko...ang sabi ni nanay lita..may isang doktor daw di umano ang nagsabing bakit pa gagamotin ang katulad ni mark hayaan na lamang daw itong mamahinga upang mabawasan ang kanyang pasanin ang kanyang problema..sa puntong iyon nakita ko ang hinanakit ng isang ina..nakita ko ang mga luhang namumuo sa knyang mga mata nais kumawala subalit talagang matatag ang ginang dahil nakayanan nyang hindi ipakita ang sakit sa aming harapan at sa harapan ng kanyang naghihirap na anak dahil sa hirap itong huminga..maya-maya pa ay nasambit ni nanay lita.." hindi ko na alam ang gagawin ko anak kapag nawala ka sa akin..di baling maghapon,magdamag kitang buhatin alagaan alalayan..di baling mabingi na di umano sya at maging manhid sa naririnig nyang awa at kantyaw ng iba,ang mahalaga maipakita ko sa iyo anak na hindi kita kailanman isusuko dahil alam ko at nararamdaman ko na lumalaban ka sa bawat sakit na nagppahirap sayo" ...sa mga katagang iyon di ko mapiglang hidni umiyak maging ng aking mga kasama ay di mapigilang di mahabag sa tinurang iyon ng ginang..masakit pala talagang makakita ng ganoong tagpo..para akong sinsakal sa kakapigil ang jirap huminga hanggang sa di na ako nahiya pa at nagpakita na ako ng kahinaan agad nag alpasan ang mga luha ko na kanina ko pa iniingatang wag lumabas napatitig ako kay mark..alam kong hirap na hirap na sya subalit nakikita ko namang lumalaban sya at nababatid kong naiintindihan nya ang nangyayari sa tagpong iyon..at agad siyang umungol at umiyak marahil ay naramdaman nyang nasasaktan ang kanyang ina...di ko napigilan ang sarili ko lumabas ako at itinuloy ang habag sa kanila ng hindi nila nakikita alam ko sa mga sandaling iyon naging mahina ako nagpatalo ako sa sakit na nararamdaman ko subalit katulad ng lagi kong sinasabi tao lang ako..nasasaktan,,humihina sumusuko..

ilang buwan ang lumipas ng ipost ko ang larawan ni mark sa aking facebook may isang lalaking may mbauting puso ang agad na nagcomment at inaalam ang address at lugar ni mark at doon ko nalaman na sila pala ay talag wish ko lang..ng malaman ko iyon agad natuwa ang aking puso na sa wakas dininig ng ating panginoon ang aming dasal na sanay may makatulong sa kanila..simula ng mga pangyayaring iyon ay nawalan na ako ng balita sa kanya nawalan ako ng lakas ng loob na magtanong at magusisa kong talag bang sya ay napabuti...natatkot ako ..natatakot ako humarap sa katotohanang maaring hindi narin naman sya magtatagal at nangyari nga ito ...isang balitang nagpahina ng buong sistema ko...balitang alam kong darating subalit di ko akalaing kay daling dumating..di ako naging handa..kami nila gladish ay di mapigilang di lumuha matapos ng balita...pakiramdam namin wala kaming nagawa para sya'y tulungan dahil naging kontento kaming may mga taong sumusporta na sa kanya ng di man lamang inaalam ang kanyang tunay na kalgayan...sabi ko nga sa aking butihing kaibigan anu ba ang ating nagawa?mayroon ba?at bigla na lamang kaming nagyakap na animoy walang tao sa paligid...nagumalpas ang luha na iyon sa matinding gulat...hanggang ngayon hindi ko parin alam kong may nagawa ba ako upang mapagaan manlamang ang kanyang paglisan?paulit-ulit hanggang nagawa ko ang artikolong ito...sanay kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa twing maaalala ko ang kanyang pagunggol sa sakit na unti-unting pumapatay sa kanyang pag-asang mabuhay pa...

alam ko namang wlang katiyakan ang lahat...at lahat tayong tao na nilalang sa mundo ay magtutungo din sa landas na tinatahak ngayon ni mark...kong nasaan ka man ngayon maraming salamat sa iyong naituro sa akin..kahit na walang salitang lumalabas sa iyong labi..walang malamlam na mga matang nagpapakita ng pagsang ayon. at pangunawang naging mailap sa aming lahat..ikaw mark armea at ang iyong naidulot sa amin ang syang aming babaunin at iingatan dahil para sa amin ikaw ay isang kayamanang hinding-hindi mawawala...

MARIONE MATARONG




1 komento:

  1. SANA MAGUSTUHAN NYO RIN ANG AKING ARTIKULONG ITO LAMLAM NG LUHA ANG AKING MGA MATA HABANG GINAGAWA KO ITO...

    TumugonBurahin